KULTURA NG MGA PILIPINO
Ano Ang Kultura?
Ang kultura ng isang bansa ay binubuo ng kanyang mga katutubo at katangi-tanging kaugalian, paniniwala at mga batas.
Sa kultura nakikilala ang isang bansa at ang kanyang mga mamamayan. Ang kultura ay mabisang kasangkapan sa pambansang pagkakaisa dahil dito naipapahayag ang tunay na diwa ng pakikipagkapwa.
Ang ating mabubuting gawi, kaugalian at kinamihasang Pilipino ay nailalarawan ng ating mga kaalamang-bayan gaya ng mga alamat, kwentong-bayan, pabula at epiko.
HALIMBAWA NG KULTURANG PILIPINO
WIKA-
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.
-ISA ITO SA PINAKAMAHALAGANG KULTURA NA NAGING BATAYAN NATIN SA ATING PANG ARAW ARAW. DAHIL ITO ANG ATING GINAGAMIT PARA MAIPAG KOMUNISASYON SA ISA'T-ISA.
PIYESTA-Maraming pistang nagaganap sa Pilipinas. Ang mga sikat na pista ay pista ng Santo Nino , pista ng Maskara at iba pa. Sa panahon ng pista, ang bayan ay naghahanda ng pagkain at parada. Para sa mga Pilipino, ito ay panahon ng kasiyahan at galak.
Ang unang pista sa Pilipinas ay naganap noong panahon ng Kastila. Ang mga pista noon ay karaniwang tungkol sa relihiyon dahil sa impluwesang Kastila. Tatlo ang dahilan kung bakit naganap ang pista. Ang una ay bilang pagpapasalamat sa mga kanilang patron o santo dahil sa mabuting ani o mabuting nangyari sa bayan tulad ng pista ng. Ang pangalawang dahilan ay bilang paraan ipakita ang sariling kultura or gawain nila tulad ng pag-gagawa ng mga maskara. o paglalagay ng pintura sa katawan. Ang huling dahilan ay mga
Mga Pambansang Pagdiriwang
Ang mga okasyong ipinagdiriwang sa buong kapuluan ay yaongnapakahalaga sa kasaysayan at lipunan. Nakikiisa ang bawat isa sa mga Pilipinosa pagdaraos ng mga ito kaya't tinatawag itong pambansang pagdiriwang.Karaniwang idinedeklarang pista opisyal o walang pasok sa mga opisina atpaaralan ang mga pambasang pagdiriwang.
Tuwing unang araw ng Eneroipinagdiriwang ang Bagong Taon.Masayang sinasalubong ito bagomaghating-gabi ng Disyembre 31.Masayang sama-samang kumakain atnagkukuwentuhan pa ang mga kasapi ngmag-anak. Nag-sisimba, nagbabatian, at nag-iingay pa sila nang buong sigla sapagsalubong nito. Ginagawa pa nila itong familyreunion. Dito ipinapakita ang pagbubuklud-buklod ng pamilya.
anebersaryo ng mahalagang pangyayari sa kasaysayan tulad ng mga bangon ng lungsod o bayan. Dalawa ang katangian ng mga pista; napakaraming pagkain at malikhaing na dekorasyon. Nagkakaroon rin ng mga parada at prusisyon. Ang lahat na ito ay nagpapakita ng debosyon ng mga Pilipino sa pagdiwang ng mga pista.
ISA PA SA MAHAHALAGANG KULTURA NG ATING BANSA AY ANG BAYANIHAN
- Bayanihan: Nabuo ang Bayanihan sa mga samahan ng mga magkakapitbahay na nagtutulungan kahit kailan o saan man kailanganin ng tulong. Kadalasan makikita ang bayanihan sa mga sasakyang nasisiraan ng gulong. Ang mga tambay at ang mga taong-bayang na malapit dito ay agad agad ding tutulungan ang drayber kahit ano pa man ang mangyari maayos lamang ang nasirang sasakyan. O kaya naman mas kadalasang inilalarawan ito ng paglilipat bahay noon ng mga nasa lalawigan. Ang mga bahay ay sabay sabay bubuhatin ng mga kalalakihan na sinasabayan pa kung minsan ng awitin upang di gaanong madama ang kabigatan nito. Ito ay kabaligtaran ng ugaling indibidwalismo ng mga lipunang Europeo at Amerikano.
- Matinding Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak: Ang mga Pilipino ay kadalasang malalapit sa kanilang mag-anak at iba pang kamag-anak. Ang pangunahing sistemang panlipunan ng mga Pilipino ay mag-anak. Maraming mga Pilipino ang tumitira malapit sa kanilang mga kamag-anak, kahit pa sila ay may edad na o kaya naman ay may sarili na ring mag-anak. Kadalasan ang isang bahay sa Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa dalawang mag-anak. Sa mga lalawigan, ang mga nayon ay kadalasang binubuo ng iisang angkan, at halos lahat ay mag-kakakilal
Utang na Loob: Ang Utang na Loob, ay isang utang ng tao sa taong tumulong sa kanya sa mga pagsubok na kanyang dinaanan. May mga kasabihan nga na: Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento